Ang mga Imperyo ng Tsina
ANG IMPERYO NG DINASTIYANG CHIN
Shi Huang-Ti ay ang emperador ng Tsina na nanungkulan sa edad na 13 taong gulang na gumamit ng ideya ng mga legalista sa kanyang panunungkulan upang masupil ang mga nagdidigmaang estado. Sinalakay niya ang mga dayuhan sa paligid ng Huang Ho River at pinag-isa niya ang Tsina. Ipinatupad niya ang pamahalaang Awtokrasya. Ipanapatay niya ang daan daang Confucian at pinasunog ang mga aklat sa paniniwalang makakasira ito sa pamahalaan. Nagpagawa siya ng lansangan na nagdurugtong sa kanyang malalawak na lupain na tinawag na Imperial Highway, pinasigla niya ang agrikultura sa pamamagitan ng pagpapaayos ng irigasyon, nagpatupad siya ng magkakatulad na uri ng salapi, sistema ng pagsulat paraan ng pagtimbang, at ang pagpapagawa ng Great Wall of China.
ANG IMPERYONG HAN
Naitatag ang dinastiyang Han matapos matalo ni Liu Pang ang anak ni Emperador Shi Huang Ti na umupo sa trono matapos siyang mamatay. Sa isang pag-aalsa, natalo ni Liu Pang ang anak ni Shi Huang Ti dahilan upang mapalitan ang kasalukuyang namumunong Dinastiyang Q'in (Ch'in) ng dinastiyang Han. Ang dinastiyang ito ang ikaapat sa dakilang dinastiya ng Tsina. Binuwag ni Liu Pang ang legalismo at ibinalik ang pilosopiyang Confucius. Maraming pagbabago ang naganap ng mapalitan ng Han ang mga Q'in na malulpit tulad ng pagpapagaan ng buwis at isang buwang sapilitang paggawa at pagiging mapayapa ng buhay ng mga Tsino.
ANG IMPERYONG SUI
Nang bumagsak ang dinastiyang Han, nagkaroon ng mabilis na pagpapalit ng dinastiya at maraming digmaan. Nakapasok sa China ang mga nomadikong mandirigma. Watak-watak ang China nang may 400 taon. Sa loob ng panahong ito umabot ang Buddhism sa China. Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng Sui. Itinatag ito ni Yang Chien. Sa loob ng maikling panahon ng dinastiyang ito, inayos ang Great Wall of China na napabayaan ng mahabang panahon, itinayo ang Grand Canal na nagdurugtong sa Huang Ho at Yangtze River at inayos ang dating kapital ng Han, ang Chang An.
ANG IMPERYONG TANG
Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang mga manggagawa sa mga proyekto ng Sui. Kung kaya kalaunan, nagkaroon ng mga pag-aalsa ang mga magsasaka. Isa sa mga pinuno ng mga pag-aalsa ay si Li Yuang. Itinatag niya ang T'ang noong 618 C.E. at tinawag siyang Emperador Tai Cong. Pangalawa sa dakilang dinastiya ng Tsina ang dinastiyang T'ang. Nanumbalik ang kasiglahan at kasaganaan ng lipunan at kulturang Tsino. Bumalik ang matatag at mahusay na pamamahala sa tulong ng mga iskolar na Confucian. Sumigla ang agrikultura dahil sa mga bagong uri ng palay at bagong paraan ng pagtatanim. Sumigla rin ang kalakalan dahil sa mga bagong kalsada na naging daan para sa lalo pang masiglang palitan ng produkto at ideya. Lubos na kumalat ang Buddhism habang unti-unting umaangkop sa kabihasnang Tsino. Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing na nagpabilis sa pagawa ng kopya ng anumang sulatin.
IMPERYONG SUNG
Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang T’ang. Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok ang limang magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng kalahating dantaon. Sa kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan ng limang dinastiya, nagpatuloy ang kulturang Tsino.Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin ni K’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod sa buong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.
DINASTIYANG YUAN
Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina
noong 1205 hanggang sa masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at
pundasyon ng pinakamalaking imperyongnaitatag sa buong mundo. Si Kublai
Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan hanggang sa
masakopniya ang mga lupain ng mga Sung sa timog. Itinatag ni Kublai noong
1260 ang dinastiyang Yuan, na nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala
bilang Great Khan.
KATANUNGAN
- SINO ANG EMPERADOR NG TSINA NA NAGPAGAWA NG GREAT WALL OF CHINA?
- ANG KINILALA BILANG GREAT KHAN.
- DALAWANG PINAKAMAHALAGANG ILOG SA SINAUNGANG KABIHASNAN NG TSINA.
- NAGTATAG NG DINASTIYANG SUI.
- IKA-APAT NA DINASTIYA NG TSINA.
SAGOT:
- SHIH HUANG-TI
- KUBLAI KHAN
- YANGTZE AT HUANG HO RIVER
- YANG CHIEN
- IMPERYONG HAN